<$BlogRSDUrl$>

Tuesday, July 08, 2003

This is one of the best buddy songs I ever heard. It came to mind when I was posting a comment on a friend's blog (he had a crummy day yesterday and I quoted part of the song to cheer him up).


AWIT NG BARKADA
Apo Hiking Society

Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob.
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa?
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa.

Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada
mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo.


Kung sa pag-ibig may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y di nagbibilangan.
Kung ang problema mo'y nagkatambakan
At mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan.

Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada
mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo.


Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan,
sa iyo ay may nakalaan.
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan

Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada
mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo.


Kasama mo.
Kasama mo.
Kasama mo.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?